Maikling Kasaysayan ng Barangay Mabuhay, Talavera, Nueva Ecija Ang Barangay Mabuhay ay isa sa mga barangay ng Bayan ng Talavera, Nueva Ecija. Dati itong isang sitio na tinatawag na “Culdit” na sakop ng Barangay Collado. Matatagpuan ito sa hilagang bahagi ng Talavera, at ang silangang bahagi naman ay nakaboundary sa Barangay Caaninaplahan at Barangay Kinalanguyan. Ayon sa matatandang residente, kahit na sitio pa lamang ito na tinatawag na Culdit, binigyan na ito ng pangalang Mabuhay sa pamumuno ng unang katiwala, ang yumaong Ginoo Leopoldo Santiago. Pinili ang pangalang Mabuhay dahil ito ay sumisimbolo ng buhay, sakripisyo, at tagumpay, at ito ay tunog maganda at makahulugan. Ang lupain ng barangay ay dating pagmamay-ari ng yumaong Kinatawan Eugenio Baltao Sr., Kongresista ng Unang Distrito ng Nueva Ecija. May kabuuang sukat itong humigit-kumulang 305 ektarya, kung saan halos 85% ay sakahan at ang iba ay residensyal, batay sa tala ng Department of Agrarian Reform. Noong 1945, naita...
Comments
Post a Comment