History of Barangay Mabuhay Talavera Nueva Ecija Tagalog ✍️

 Maikling Kasaysayan ng Barangay Mabuhay, Talavera, Nueva Ecija


Ang Barangay Mabuhay ay isa sa mga barangay ng Bayan ng Talavera, Nueva Ecija. Dati itong isang sitio na tinatawag na “Culdit” na sakop ng Barangay Collado. Matatagpuan ito sa hilagang bahagi ng Talavera, at ang silangang bahagi naman ay nakaboundary sa Barangay Caaninaplahan at Barangay Kinalanguyan.


Ayon sa matatandang residente, kahit na sitio pa lamang ito na tinatawag na Culdit, binigyan na ito ng pangalang Mabuhay sa pamumuno ng unang katiwala, ang yumaong Ginoo Leopoldo Santiago. Pinili ang pangalang Mabuhay dahil ito ay sumisimbolo ng buhay, sakripisyo, at tagumpay, at ito ay tunog maganda at makahulugan.


Ang lupain ng barangay ay dating pagmamay-ari ng yumaong Kinatawan Eugenio Baltao Sr., Kongresista ng Unang Distrito ng Nueva Ecija. May kabuuang sukat itong humigit-kumulang 305 ektarya, kung saan halos 85% ay sakahan at ang iba ay residensyal, batay sa tala ng Department of Agrarian Reform.


Noong 1945, naitatag at unti-unting napaunlad ang sitio. Pagsapit ng 1950, opisyal nang nahiwalay ang Mabuhay mula sa Barangay Collado at naging isang baryo. Ang unang Tinyente del Barrio ay ang yumaong Ginoo Dominador Vallarta.


Noong 1956, ang ikalawang Tinyente del Barrio, ang yumaong Ginoo Hermogenes Cabrera, ang naghain ng resolusyon sa Sangguniang Bayan upang maging pormal na kinikilalang Baryo Mabuhay sa Bayan ng Talavera.


Pagsapit ng 1960, sa pamumuno ng ikatlong Tinyente del Barrio, ang yumaong Ginoo Celestino dela Fuente, ay naaprubahan at naisabatas ang naturang resolusyon sa bisa ng Executive Order No. 3580.


Mula noon, ang dating simpleng sitio ng Culdit ay naging isang pormal na baryo na ngayon ay kilala bilang Barangay Mabuhay—isang lugar na mayaman sa kasaysayan, nakaugat sa agrikultura, at patuloy na sumasalamin sa diwa ng pagkakaisa 

ng komunidad.


KASAYSAYAN NG BARANGAY MABUHAY 

Panagalawang version 

  

Ang nayon ng mabuhay ay dating bahagi ng Hasyenda Jacinto at binubuo ng may dalawang daang ektaryang sakahan at mga bakood. Hindi nagtagal, pagkatapos na ang pagmamay-ari ay masalin kay Aquiles Jacinto, isa sa mga tagapagmana ni Don Andres Jacinto ay ipinagbili ang nasabing lupa kay Eugenio Baltao. Simula noon ay si Eugenio Baltao na ang nagpagawa sa mga bukirin ng mabuhay na ang mga pananim, bukod sa palay, ay mga halamang gulay na tulad ng kamatis.


Napakaluwang ng mga kamatisan sa Mabuhay sapagkat ito ang lalong angkop sa kataasan ng mga bukirin. Kayat ang mga magsasaka dito ay hindi napapahinga sa kanilang paggawa sa lupa. Habang hinihintay nila ang paglaki at pagsapaw ng palay ay ang pagtatanim naman at pag-aalaga ng kamatis ang kanilang hinaharap. Hanggang sa ang Mabuhay ay maging isa sa mga nayon ng Talavera na pinanggagalingan ng maraming kamatis na iniluluwas ng mga taganayon sa Lunsod ng Maynila.

   

Ang masasabing unang nagsipanirahan sa nayon ay kinabibilangan ng mga Dupa, ng mga Damacio at ng mga Dela Cruz. Bago magkadigma sila ay madalas na dinadalaw ni Alkalde Ambrosio Fausto upang alamin ang kanilang kalagayan at malunasan ang kanilang suliranin. Sa ganitong paraan ay lubhang napamahal sa mga taga-Mabuhay ang mabait na alkalde. Kayat tuwing dadalaw siya sa nayon ay buong galak na sumisigaw ang mga taga-nayon ng “Mabuhay ang aming alkalde!” Pinatay noong panahon ng hapon si Alkalde Ambrosio Fausto, subalit siya ay namalaging buhay sa puso’t alaala ng mga taga-Mabuhay sapagkat kaugnay ng kanyang katauhan ang pangalang sumasagisag sa nayong madalas dalawin ng magiting na punong bayan.

  

Pagkatapos ng digmaan nilisan ng mga taga-Mabuhay ang dating pook na kinatitirikan ng kanilang mga tahanan. Lumipat sila sa dakong kinatatayuan ng kanilang mga tahanan sa kasalukuyan upang magkasama-sama sa iisang pook ang mga magsasakang gumagawa  sa lupa ni Eugenio Baltao. Kabilang sa mga bumubuong ito sa bagong nayon ng Mabuhay sina Leopoldo Santiago, Ignacio Escumbien, Pelagio Sadaran, Celestino de la Fuente, Cipriano Vallarta, Dominador Vallarta, Antero Vallarta, Amado Agustin, Emilio Quintos, Daniel de la Pena at Rufino Miranda na siyang katiwala. Mula sa aba nilang kalagayan bilang magsasakang nakikisama, pinapangarap ng mga taga-Mabuhay na madulutan ng magandang kinabukasan ang kanilang mga anak kung hihigit kaysa dati ang magiging bahagi nila mula sa kanilang pinagpapagalang mga pananim.

   

Si Leopoldo ang unang nanungkulan bilang tinyente del baryo ng bagong nayon ng Mabuhay at sumunod sa kanya si Emilio Quintos. Pagkatapos ng ilang  panahon ay humalili si Dominador Vallarta na sinundan ni Celestino de la Fuente, kasalukuyang kapitan del baryo. Ang mga kagawad ng sanggunian ay sina Basilio Santiago, Rodolfo Cabrera, Florencio Santiago, Feliciano Tolentino, Pacifico Cuevo at Cipriano Vallarta. Ang kalihim ay Alfredo Santos, ingat-yaman si Pablo Santiago at hepe ng pulisya si Alfredo Llame. Ang pulis-nayon ay si  Virgilio Ramos. Ang mga taganayong tapos ng iba’t-ibang karunungan ay ang mga sumusunod: Pagtuturo: Leonardo de la Fuente; Pananahi: Cenen Santiago; Pagkukulot: Carmelita Santiago.

At sa maka bagong henerasyun 

Simula Ng kapitan unang na nungkulan 

1,melencio t. Angeles

2,andres Vallarta

3,jose dc Santiago

4,servando Santiago

5,alejandro doclin

6,julius cesar mendoza

7.eduardo s Angeles

1. si Melencio T. Angeles ang unang kapitan Ng baragay Mabuhay Talavera Nueva Ecija 

2. Sinundan ni ginoong Andres Vallarta 

3. Ginnong Jose Dela Cruz Santiago 

4. Sinundan ni Servando Dela Cruz Santiago Anak ni Leopoldo Santiago ang unang katiwala at kapitan del barrio Hindi din matatawaran Ang ambag ni kapitan Servando Santiago ( Banding) sa kanyang panunungkulan sya ay Isang gitarista sa simbahan bago sya Maging kapitan sya Rin ay minsang itinuturing na bayani Hindi lamang sa barangay Mabuhay kundi sa buong Talavera Nueva Ecija Dahil sa naganap na insidente Ng pamamaril sa bayan, sa Isang lamay Na pinatay na kapitan sa Talavera ay nag punta ang mga tao at mga kapitan ngunit Hindi inaasahan Ng tao ang anak Ng namatay sa lamay ay mag aamok at namaril gamit ang karben na baril Dito nga ay Maraming tinamaan at may namatay na mga kapitan Hindi nag dalawang isip SI kapitan banding na maki pag aagawan Ng baril at maki pag buno. At Ng maagaw nya ang baril ay tumakbo ang namaril at sumigaw na babalik Ako kukunin kupa ang baril kaya ito ay hinabol ni kapitan banding hangang napatay nya sa walong Tama Ng bala Ng baril nya ang Sabi nya kahit sino naman magagawa ang ginawa nya lalot nasa oras Ng panganib

5. Alejandro Doclin Isang dating Pulis ngunit Hindi nya natapos Ang kanyang termino sya ay pumanaw 

6. Julius Caesar Mendoza sya ang humali at pumalit Kay kapitan Alejandro Doclin at muling nanalo sa kapitan 

7. Eduardo Santiago Angeles ang bagong kapitan 2023 apo ni Leopoldo Santiago ang unang katiwala at unang tiniente del bario at anak ni kapitan Melencio T Angeles sya ang nag ayus at nag paganda Ng barangay Mabuhay hangang sa ngayun Kasama Ang mga konsehal  na sina

maricel Assuncion

Reo Fernando

Edgar Vallarta

Dante Cabrera

Marlie dela fuente

Jacinto dela Cruz

Domingo Mendoza

Sinulat ni Cabre Tv 




Comments

Popular posts from this blog